Wednesday, November 27, 2019
Leung, Robert Essays - Free Essays, Term Papers, Research Papers
Leung, Robert Essays - Free Essays, Term Papers, Research Papers Leung, Robert 8- Camia BATAS RIZAL/ BATAS REPUBLIKA 1425 1. Ano ang Batas Rizal? Ang Batas Republika 1425 na mas kilala sa tawag na Batas Rizal ay pinangunahan ng dating pinuno ng Pambansang Kapulungan ng Edukasyon na si Sen. Jose P. Laurel. Bago ito mapagtibay noong Hunyo 12, 1956, dumaan ang batas na ito sa mga umaatikabong debate sa loob ng Senado at Kongreso. Tinawag itong House Bill 5561 sa kongreso na pinangunahan ni Cong. Jacobo Gonzales at tinawag naman itong Senate Bill 438 sa Senado na pinangunahan naman ni Sen. Claro M. Recto. Hindi makakapagtaka na sila ang mga pinunong nagtaguyod sa batas na ito, dahil kung babalikan ang kasaysayan, malinaw na may marubdob na pagmamahal sa bayan ang dalawang ito. Si Gonzales ay nakipaglaban upang mapalaya ang kanyang mga kababayang sakdalista at si Recto naman ay malinaw na ipinaglaban ang soberanya ng Pilipinas labas sa Estados Unidos. Nakasaad sa Batas Rizal na kailangan isama sa kurikulum ng lahat ng paaralan, kolehiyo at unibersidad, pampubliko man o pribado ang kurso sa pag-aaral ng buhay, mga ginawa at isinulat ni Jose Rizal, partikular na ang kanyang dalawang nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Bukod pa dito, nakasaad din batas na ito na obligado ang bawat kolehiyo at unibersidad na magkaroon at magtago sa kanilang mga silid-aklatan ng sapat na orihinal na sipi at makabagong bersyon ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, pati na rin ang mga ibang isinulat ni Rizal, kabilang na rito ang kanyang talambuhay. Isinusulong din ang pagsalin ng mga ito sa Ingles, Tagalog o iba pang diyalekto at ang pagimprinta sa mababang halaga at pamamahagi ng libre sa mga mamamayang nais magbasa nito sa pamamagitan ng Purok organizations at Barrio Councils. Ilang henerasyon na ang naapektuhan sa pagpapatupad ng mga lider ng gobyerno ng Batas Rizal na kanilang isinulong. Ang pagpapatupad nito ay hindi naging madali para sa mga mambabatas. Mahabang proseso ang pinagdaanan ng panukalang batas na ito bago ito naging isang batas. Mainit na debate ang naganap kung saan iba't-ibang opinyon at motibo ang lumabas galing sa mga lider ng gobyerno sa kanilang adhikain na maitupad ang Batas Rizal. 2. Anu-ano ang mga layunin nito? Ang pangunahing layunin ng mga mga nagtaguyod sa batas na ito ay muling pag-alabin ang diwa ng nasyonalismo sa mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagsama sa kurikulum ng lahat ng paaralan, pampubliko man o pribado ang kurso sa pag-aaral ng buhay, mga ginawa at isinulat ni Jose Rizal, partikular na ang kanyang dalawang nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Naniniwala sila na si Rizal ay maaaring magsilbing inspirasyon sa atin, lalo na sa mga kabataan. Bukod dito, layunin din ng batas na ito na parangalan si Rizal at ang iba pa nating mga bayani sa lahat ng kanilang mga ginawa para sa bayan. Ang Mga Layunin: Maipahayag at mapalitaw ang mga naging motibo ng mga mambabatas sa pagpapatupad ng Batas Rizal Ilahad ang mga pangyayari noong ipinasa at ipinagdebatihan upang tunay na maunawaan ang kahalagahan ng pagpapasa ng Batas Rizal Tulungan ang mga mag-aaral na maunawaan ang kahalagahan ng pagpapatupad ng batas. Patunayan na makatwiran ang pagpapatupad ng Batas Rizal Katulad ng RH Bill, hindi naging madali ang pagpasa ng batas na ito dahil sa malakas na pagtutol ng Simbahang Katoliko. Naniniwala ang simbahan at ang mga mambabatas na pumanig sa kanila na ang dalawang nobela ni Rizal ay naglalaman ng mga pahayag na laban sa simbahan. Ayon sa kanila, ang sinumang makabasa ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay maaaring mawalan ng pananampalataya o sumalungat sa mga itinuturo ngsimbahan.Iba'tibang taktika ang ginamit nila upang takutin ang mga nagtataguyod sa batas na ito. Nariyang magsasara daw ang lahat ng paaaralang pag-aari ng simbahan sa oras na maipatupad ito at hindi daw makakaasa ng suporta mula sa mga katoliko ang mga nagtaguyod nito sa mga susunod na halalan. Ngunit kaparis ng RH Bill, naipatupad ang Batas Rizal sa kabila ng malakas na pagtutol ng simbahan Limang dekada na ang nakalipas mula ng maipatupad ang Batas Rizal. Ngunit nakatulong nga ba ang pag-aaral ng buhay, mga ginawa at isinulat ni Jose Rizal upang makamit ang mga adhikain ng mga nagtaguyod sa batas na ito? Sa mababaw na pagtingin, masasabi
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.